Monday, July 22, 2019

Gabay sa pagkatuto ng mga katutubo sa makabagong teknolohiyang umuusbong sa mundo: Ang Kopyuter

                                                  

     

Ano ba ang computer? Para saan nga ba ito? 


          




Ano nga ba ang Kompyuter? 


                   Ang Kompyuter ay isang makina o kagamitan na ginagamit sa kalkulasyon, pagproproseso, at operasyon base sa mga nais mong gawin sa pamamagitan ng software at hardware program. Ito ay dinesenyo upang gumawa ng mga aplikasyon at magbigay ng mga iba't ibang solusyon sa paggamit ng hardware and software na bahagi ng isang kompyuter. Ang kompyuter ay karaniwang ginagamit para sa pag-aaral, pagtatrabaho dahil mas napapadali nito ang mga bagay-bagay tulad ng kalkulasyon, paggalugad ng iba't ibang impormasyon ukol sa nagaganap sa ating mundo, paghahanap ng mga kasagutan sa mga bagay bagay sa pamamagitan ng "Internet". Ito din ay resulta ng makabagong teknolohiya na natutuklasan ng mga tao. Marami pang bagay ang umuusbong na nagpapadali at nagpapagaan ng ating buhay sa pamamagitan ng teknolohiya.                

         

                                      Ano ano ang mga bahagi nito?

    Mga karaniwang halimbawa ng bahagi ng komputer 




                                    Paano buksan ang kompyuter?


 Isaksak ang saksakan sa saksakan para dumaloy ang kuryente

Pindutin ang switch on sa avr. Dapat itong umilaw

Matapos umilaw ng avr, Pindutin ang power button ng CPU.                       . 

Pindutin ang power button ng Monitor.



Hintayin ang paglabas ng Windows desktop.

                                                       
Kapag lumabas na ito. Maari ka ng magsimulang gamitin ang kompyuter.



                      Mga bahagi ng Windows Desktop 

                                                                        Windows 7

Related image


                                                              Windows Xp

          Mas ginagamit na ang windows 7 ngayon dahil mas maganda ito at mas madaming  bagong programs na mas makakatulong sa mga tao.


               Mga bahagi ng desktop sa windows 7
1. Icons- ito ang mga maliliit na litrato na nagrerepresenta ng mga aplikasyon na maaring mong gamitin upang makatulong sayo sa pangaraw-araw
2. Desktop- ito ang lahat ng nakikita mo sa monitor
3. Start button- sa pamamagitan nito na magbuksan ang mga windows 7 programs, mga documento at mga inpormasyon galing sa internet. nakikita ito sa babang kanan ng desktop
4. Pointer- ito ang gumagalaw sa pamamagitan ng mouse
5. task bar- naglalaman ito ng start button, mga pindutan na karaniwang ginagamit ng gumagamit ng kompyuter. ito ay matatagpuan sa bandang ibaba. 
6. Notification area o System Tray- pinapakita nito ang mga notification icons at ang oras. karaniwang makikita sa bandang ibaba


     Mga laman ng start menu o start button at kung para saan ito:
Una pindutin ang start button at ito ang lalabas

                                                 
Image result for overview of the options available in the start menu windows 7



All programs- ito ang mga listahan ng mga programs na pwedeng gamitin ng gagamit ng kompyuter. Pwedeng ilagay ang nais mong programs at nakalagay din ang mga nauna mong gamiting mga programs.
Image result for overview of the options available in the start menu windows 7





















Documents-nakalagay dito ang mga dokumento ng gmagamit ng kompyuter.


















Pictures- Dito nakalagay ang mga litrato ng gumagamit ng kompyuter

                             












Music- Dito nakalagay ang mga kanta ng gumagamit ng kompyuter










Control panel- Dito nakalgay ang mga kontrol ng buong kompyuter pwedeng baguhin ang mga setting ng bawat programs. nakalagay din dito ang mga nakalagay na software at hardware.







Ito ang makikita matapos pindutin ang button ng Control Panel

Devices and Printer- Dito nakalgay ang setting ng printer at ito ay nakapokus sa computer system







            
 

Ito ang makikita matapos pindutin ang button ng Devices and Printer




Help and Support- Ito ang makakatulong sayo at gagabay kung paano gamitin ang isang program sa windows






        



Ito ang makikita matapos pindutin ang button na Help and Support



  Search- maari mong mahanap ang program na nais mong buksan sa simpleng paglalagay ng pangalan nito sa search bar.
Run- Maaari ka magbukas ng isang program sa pamamagitan ng run.













Ito ang makikita matapos pindutin ang button ng Run


Log off- Ang button na ito ay panandaliang mamatay ang kompyuter at maari kang magpalit ng account.


Turn Off computer o Shut down- Ang button na to ay ang patayan ng computer. Lahat ng program na nakabukas ay mawawala at tuluyan ng mamatay ang kompyuter.







Nawa'y madami kayong natutunan sa blog na ito na maari ninyong magamit sa inyong buhay. :)